Ano ba ang Virtual Private Network (VPN) ???

 Ano nga ba ang Virtual Private Network o VPN at ano ang mga kayang gawin nito ?



Halos lahat ng tao sa mundo ay gumagamit ng internet, kung hindi man lahat siguro mga nasa 85%. Araw-araw maraming gumagamit ng internet, sa paghahanap ng mga impormasyon sa google, paggamit ng mga social media katulad ng, Facebook, Instagram, Twitter, etc. at panonood ng mga video online. Ang pagkokonekta sa internet ay normal lamang para sa iba subalit lingid sa kaalaman ng lahat ito ay may kaakibat na pangani. Panganib sa personal na buhay o kaya naman sa mga gadget na ating ginagamit sa araw-araw na pagkokonekta sa internet. Bakit nga ba may kaakibat na panganib ang pagkonekta sa internet ?

Ganito yan, sa tuwing magkokonekta tayo sa internet at pumapasok sa ibat ibang mga site ay halos lahat ng mga site na ito ay nagkokolekta ng mga impormasyon sa ating device/gadget, katulad ng Email, IP Address at browsing history. Karamihan ay walang pakialam dito, ngunit lingid sa kaalaman ng marami, ay gamit ang mga impormasyon na nakuha sa iyo ay maaari kang atakihin ng mga may masamang balak sayo katulad ng mga hacker. Maaari nilang mabuksan ang mga personal na account mo katulad ng fb account, gmail account at iba pa gamit ang nakolektang impormasyon sa iyong device/gadget. At maaari din mahanap ang iyong lokasyon gamit ang IP Address ng iyong device. Di ba nakakabahala ang ganon ? lalo na kung may nga importante at pribado kang bagay na nakalagay sa iyong device. Paano nga ba maiiwasan ang mga ganitong pangyayari ?. May paraan para maiwasan ang mga ito, sa pamamagitan ng paggamit ng mga VPN or Private Virtual Network. Nasa ibaba ang impormasyon tungkol sa VPN .


Ano nga ba ang Virtual Private Network (VPN) ?

Ang Virtual Private Network (VPN) ay isang application or software na ginagamit upang maproktehan ang ating mga device laban sa mga hacker. Ito ay nagbibigay ng pribadong koneksyon sa tuwing magkokonekta sa internet at itinatago ang IP address ng ating device upang hindi mapasok ng mga nagtatangka na subaybayan ang ating mga ginagawa sa internet at hindi makuha ng mga site na ating pinapasok ang ating mga personal na impormasyon. At isa pang kayang gawin ng VPN ay maaari natin itong gamitin upang mapasok ang mga site na nakablock ang ating bansa o nakablock sa ating bansa.



Pwede bang gamitin ang VPN sa cellphone ?

OO pwede gamitin ang VPN sa cellphone at pati na rin sa PC. Maraming mga VPN Application ang makikita mo sa playstore, ang iba ay Free VPN at ang iba naman ay kailangan bayaran.



Ligtas ba na gamitin ang VPN ?

Oo, kagaya ng nakalagay sa itaas, ligtas na gamitin ang vpn dahil ginagawang pribado ang koneksyon mo sa internet sa tuwing magkokonekta ka gamit ang iyong device.


Alin ang mas ligtas gamitin, ang Free VPN o Paid VPN ?

Parehong ligtas na gamitin ang Free VPN at Paid VPN, ang pagkakaiba lang ay ang free vpn ay wala kang babayaran at maraming gumagamit ng mga server nito dahil nga libre. Ang paid vpn naman ay may babayaran ka na subscription at may pribado kang account at maari kang magpatulong sa binilhan mo kung sakali may nais kang malaman or problima sa VPN mo.


Legal ba na gamitin ang mga VPN ?

OO legal na gamitin ang vpn sa maraming mga bansa katulad dito sa pilipinas. Sa makatuwid, kahit legal ang paggamit ng vpn pero kung gagamitin mo ito sa mga illegal na aktibidad ay mananatili pa din itong illegal at may kaukulang kaparusahan na naaayon sa batas.


Listahan ng mga VPN :



Lahat ng mga VPN App na nasa itaas ay makikita mo sa google playstore at maaari mong idownload ng libre lamang. Ang iba ay Free VPN at ang iba naman ay Paid VPN. Bawat Paid VPN ay may kanya-kanyang monthly subscription, ngunit ang lahat ng ito ay pare-pareho lamang ang main function, yun ay upang makapag-browse anonymously sa internet, ligtas at walang iniisip na ano mang bagay na maaring mangyari sa iyong device o sa mga impormasyon na nakalagay sa iyong device na ginagamit sa pagbabrowse sa internet.


Kung gusto mo pa ng ibang mga article tungkol sa vpn ay maari mong bisitahin ang mga naunang post ko tungkol sa vpn at kung paano ang paggamit sa mga ito upang makakonekta sa internet ng libre. At kung ikaw naman ay may mga katanungan ay maaari kang magkomento, sasagutin ko ang tanong sa abot ng aking makakaya.

0 comments:

Post a Comment