GOMO


Nitong nakaraang buwan lamang ng october 2020 ay isang 'digital telco' ang inilaunched dito sa pilipinas. Ito ay tinatawag na GOMO,
kung nag-iisip kayo kung ano ang ibig sabihin ng GOMO, GOMO stands for "Go Out More Often" ayon kay Mr. Yuen Kuan Moon, CEO ng Consumer Singapore at Singtel.

Base sa mga impormasyon na nabasa ko, ang gomo ay inilabas ng Singapore's Singtel (Singtel introduce GOMO) noong March 2019.

Inilabas ng Ire Limited Network (ILN) sa Ireland ang GOMO noong October 2019.

Inilabas ng Advance Info Service (AIS) sa Thailand ang GOMO noong May 2020.

At inilabas naman ng Globe Telecom Network dito sa Pilipinas ang GOMO noong October 2020.



Ano nga ba ang GOMO sim ???

Ang GOMO sim ay isang simcard na 5G at LTE Ready. Ang sim ng GOMO ay no expiry data, ibig sabihin kahit umabot pa ng ilang buwan hindi mawawala ang data mo hanggat hindi mo pa nauubos.


Saan mabibili ang GOMO sim ???

Sa kasalukayan hindi pa ito mabibili sa mga tindahan. Mabibili ito diritso sa kanilang website sa gomo.ph o sa kanilang mga partners like, Shoppee, Lazada, Grabmart at Gcash.


Mga offer ng GOMO sim

Ang offer ng gomo ay 25gb no expiry data sa halagang 299 pesos, at 25gb no expiry data na may 100 minutes na pangtawag at 500 na pangtext na valid sa lahat ng network sa halagang 499 pesos.


Pwede bang malagyan ng load ang GOMO sim ???

Yes, pwede malagyan ng load ang gomo sim, pero sa kasalukuyan ang load ng gomo ay hindi pa mabibili sa mga tindahan sa ating mga baranggay. Makakabili ka lamang ng load sa online via GCash or Credit/Debit Card.





Paano eactivate ang GOMO sim ???

Ito ang step by step kung paano eactivate ang gomo sim.

  • Ilagay ang GOMO SIM sa iyong cellphone.

  • Idownload ang GOMO PH App sa playstore o sa appstore.

  • Buksan ang GOMO PH App at sundin lamang ang mga nakalagay para makomplete ang paggawa ng account.

  • Kapag kumpleto na, pwede mo ng maumpisahan sa paggamit ang iyon 25gb no expiry data.



Advantage sa paggamit ng gomo sim.

Kung isa ka sa mga ayaw ng may validity period ang mga data promo bagay sayo ang gomo sim. Hindi mo na kailangan mag-isip na baka mamaya expire na ang data promo mo dahil no expiry data ang kanilang offer.


Disadvantage sa paggamit ng gomo sim.

Hindi naeexpire ang data mo sa gomo sim pero hindi ibig sabihin nun na hindi din ito nauubos. At kapag dumating na sa oras na naubos mo na ang iyong data hindi ka basta-basta makakabili sa mga tindahan sa iyong baranggay dahil nga sa kasalukayan ay sa online ka lang pwedeng bumili ng load gamit ang GCash or Credit/Debit Card.

0 comments:

Post a Comment