SocksIP Tunnel


Ano ang SocksIP Tunnel ?

  •  Ang SocksIP Tunnel ay isang uri ng VPN Application. Katulad ng ibang vpn app, ang normal na function ng app na ito ay upang makapag-browse ka sa internet ng ligtas.
  • Ang pinagkaiba lang ng socksip tunnel sa ibang vpn app ay hindi ka pwedeng maglagay ng sarili mong server. Kung anong server ang available sa kanilang application ay yon lamang ang maaari mong gamitin. At para makaconnect ka sa internet ay kailangan mo din maglagay ng sarili mong payload sapagkat walang silbi ang server kung wala kang payload dahil hindi ka pa din makakaconnect sa internet.
  • Isa ang SocksIP Tunnel sa kilalang vpn application dito sa pilipinas na ginagamit ng mga tao para magkaroon ng libreng internet ngunit sa ngayon ito ay gumagana lamang sa TM/Globe. At kailangan mo din ng saktong templa ng payload para mapagana ito at makapag-internet ka ng libre.

Sino ang developer ng SocksIP Tunnel ?

  • Base sa playstore, ang socksip tunnel ay gawa ng New Tool Works. Ang application na ito ay naging available sa playstore noong March 13 2019 at ang updated version 9.5.4 nito ay noong December 24 2020.

  • Pwede mong idownload ang socksip application direkta sa playstore, pindutin lang ang link na nasa ibaba.

Paano paganahin ang SocksIP Tunnel App ?

  • Para mapagana mo ang application na ito ay kailangan mo kumuha ng IP Address at Password ng server na available mismo sa kanilang app.
  • Kailangan mo din ng sapat na kaalaman sa paggawa o pagtempla ng payload para mapagana ito sa TM/Globe kahit walang load na pang-internet. Pero kung wala ka naman alam sa paggawa ng payload ay wag kang mag-alala dahil pwede ka naman magdownload ng ready to use config file na makikita mo sa ibaba.

Ano ang SocksIP Configuration File (sks) ?

  • Ang SocksIP Configuration file ay ginagamit upang mapagana ang socksip tunnel.
  • Ang configuration file ay naglalaman ng IP Address, Password at Custom Payload.
  • Gamit ang config file sa ibaba na ginawa ko ay maaari kang makapag-internet ng libre, pero wag kalilimutan na pwede lamang ito sa TM/Globe at tingnan mo din kung expiration date ng config file dahil hindi na ito gagana kapag expired na.


SocksIP Configuration file
for TM/GLOBE Only



Paano ilagay ang config file sa socksip tunnel ?

  1. Idownload ang SocksIP Tunnel Application sa playstore , nasa itaas ang link.
  2. Magdownload ng configuration file, pindutin lang ang blue bar na makikita sa itaas.
  3. Buksan ang Application at sa may itaas bandang kanan may makikitang tatlong tuldok, pindutin yun.
  4. Piliin ang Import/Export.
  5. Sundin ito import>folder icon>download folder at pindutin ang config file na dinownload mo.
  6. Pindutin ang START, kapag nakalagay na ng "Connected Happy Browsing" okay na yan, pwede ka ng makapag-internet ng libre.


Kung nagustuhan mo ito, pwede mong ifollow ang website na ito dahil dito ako palagi nagpopost ng mga updated na configuration file na pang-NO LOAD at iba pa.



Thank You for Visiting !!!

0 comments:

Post a Comment